^

Probinsiya

Drug pusher todas sa buy-bust

Christian Ryan Sta.Ana - Pilipino Star Ngayon
Drug pusher todas sa buy-bust
Kinilala ang napatay na suspek na si Al Taberna, nasa hustong gulang, ng Barangay Balaring sa bayan ng General Natividad ng lalawigan.
STAR/ File

ZARAGOZA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isa umanong tulak ng droga na may kasong frustrated murder matapos umanong kumasa sa isinagawang drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Sta. Lucia Young, ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang napatay na suspek na si Al Taberna, nasa hustong gulang, ng Barangay Balaring sa bayan ng General Natividad ng lalawigan.

Sa ulat,alas-12:05 ng madaling araw ay nagsagawa ng drug buy-bust operation ng pulisya laban sa suspek at nang magkaabutan ay natunog ng huli na pulis ang kanyang ka-deal.

Bumunot umano ng baril ang suspek, suba­lit naunahan siya ng mga otoridad.

Bukod sa isang plas­tic sachet na na­ibenta ng suspek sa police poseur-buyer ay nasamsam pa ang  15 pi­raso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P10,000 ang halaga.

vuukle comment

NATIVIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with