Chicken dealer tinarakan sa leeg habang tulog

Naiwan pang na­ka­baon ang kutsilyo sa leeg habang nasa loob ng punerarya ang biktimang si Rico Rosette, nasa hustong gulang.
STAR/ File

MAGALLANES, Cavite, Philippines — Tuluyan nang hindi nagising sa mahimbing na pagkatulog sa duyan ang isang lalaki na chi­c­ken dealer nang siya ay tarakan sa leeg ng kasama, kamakalawa ng hapon.

Habang kinilala ang suspek na si Da­niel Cecista na kasama nito sa trabaho na agad tumakas.

Sa ulat, alas-2:30 ng hapon habang na­tutulog ang biktima sa duyan sa isang tindahan sa Sitio Sumandal, Brgy Kabulusan, Magallanes, Cavite nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing itinarak ang kutsilyo sa leeg ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Nabatid na may dati nang alitan ang dalawa at gumanti ang suspek nang makakuha ng pagkakataon.

Chicken dealer tinarakan sa leeg habang tulog

Christina Timbang

Show comments