_ngayon
^

Probinsiya

Trigger happy inaresto

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Olongapo City Police Office (OCPO) Station 1 ang isang lalaking umanoy lasing na walang habas na nagpapaputok ng baril na kung saan ay tinamaan ng ligaw na bala ang isang parking attendant kamakalawa ng gabi sa Elicano St. sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Gerald Darren Tabaquero, 31,mula sa Caloocan City.

Ayon sa ilang bystander at residente,alas-10:00 ng gabi ay  pasuray suray umano ang nasabing suspek habang naglalakad sa Elicano St. hanggang sa 24th St. at patuloy sa pagpapaputok ng baril na kung saan tinamaan ang isang parking attendant na dinala sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Dahilan upang tumawag ng mga otoridad ang mga residente hanggang sa makorner ang suspek sa isang karinderya sa 20th St. at dito na siya inaresto.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with