^

Probinsiya

15-anyos dalagita, limang taong sex slave ng ama

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
15-anyos dalagita, limang taong sex slave ng ama
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Roderick Paguio, habang itinago ang biktima sa pangalang ‘Isabel”, 15-anyos at Grade 9 student kapwa residente ng Brgy. Loma de Gato ng nasabing bayan.

MARILAO, Bulacan, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang construction worker na umano’y limang taong ginagahasa ang sa­riling anak na menor de edad sa bayan ng Marilao ng lalawigang ito.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Roderick Paguio, habang itinago ang biktima sa pangalang ‘Isabel”, 15-anyos at Grade 9 student kapwa residente ng Brgy. Loma de Gato ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, inumpi­sahang gahasain ng ama ang kanyang anak noong 2016 sa edad na 10 taong gulang pa lamang ito at dahil sa takot at pagbabanta ng ama ay kinimkim na lamang ng biktima ang mga  pangyayari.

Napag-alaman na ang ina ng biktima ay nagtatrabaho abroad bilang domestic helper nitong nakalipas na taon at mula noon ay patuloy umanong ginagahasa ng suspek ang biktima.

Muling naulit ang panghahalay sa biktima nitong Mayo 26, alas-7:00 ng umaga at pagkatapos noon ay nagsumbong na ang una sa isang pastor sa kanilang lugar.

Ipinaalam naman ng pastor sa tiyahin ang dina­dalang suliranin ng biktima na agad nagsumbong naman sa mga otoridad kaya dinakip ang suspek na nahaharap sa kasong rape o violation of RA 8353 ang suspek na nakapiit sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

SEX SLAVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with