^

Probinsiya

Ama minolestiya ang apat na taong gulang na anak

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Ama minolestiya ang apat na taong gulang na anak
Kinilala ni P/Maj. Julius Alvaro, acting Chief of police ng CSJDM ang suspek na si Joenil Docallos, 33, may-asawa ng nasabing Barangay.
STAR/ File

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang hayok na ama matapos na ireklamo ito ng pangmomolestiya sa kanyang apat na anyos na anak kamakalawa ng gabi sa Brgy. Graceville ng nasabing siyudad.

Kinilala ni P/Maj. Julius Alvaro, acting Chief of police ng CSJDM ang suspek na si Joenil Docallos, 33, may-asawa ng nasabing Barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11:00 ng tanghali, habang pinaliliguan ni Emily Docallos ang kanyang anak na itinago sa pangalang Shirley nang mapansin nito na may bahid ng dugo ang ari ng anak.

Tinanong ng ina ang kanyang anak at doon na nagsumbong ang paslit na ilang beses umanong ipinasok ng kanyang papa ang daliri nito sa kanyang ari.

Hinintay muna ng nanay ng biktima na umalis ang kanyang asawa bago sila nagpunta sa istasyon ng pulis at ipinagsumbong ang ginawang pangmomolestiya ng kanyang asawa sa sariling anak.

Agad nang naaresto ang suspek at ngayon ay nahaharap sa kasong statutory rape.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with