_ngayon
^
3 binatilyong drug courier nasagip ng PDEA
Sa kabila ng pag-entrap sa nasabing suspek tatlong binatilyo ang lumitaw at nagdala umano ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa mga ope­ratiba ng PDEA.
STAR/Miguel De Guzman, file

3 binatilyong drug courier nasagip ng PDEA

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Nailigtas sa tiyak na kapamahakan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Luzon ang tatlong menor-de-edad na ginagamit ng sindikato ng droga bilang mga drug courier sa lungsod ng San Jose del Monte kamakalawa ng hapon.

Nailigtas ang tatlong bata nasa edad 12 hanggang 13, matapos magsagawa ang PDEA-3 ng buy-bust sa Pleasant Hill Subdivision, Barangay San Manuel sa naturang lungsod sa isang alyas “Abdul”.

Sa kabila ng pag-entrap sa nasabing suspek tatlong binatilyo ang lumitaw at nagdala umano ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa mga ope­ratiba ng PDEA.

Base sa imbestigas­yon, inatasan umano ni Abdul ang tatlong binatilyo na bitbitin ang droga at nangakong babayaran sila.

Ang mga batang lalaki ay nakatakdang i-turn over sa City Social Welfare and Development Office.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 si Abdul na pinag­hahanap pa rin ng mga awtoridad.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with