_ngayon
^

2 dayong bebot huli sa higit P.4 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang dalawang dayong babae na tulak umano ng droga matapos masabat sa kanila ang umano’y mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust ope­ration ng pulisya sa Purok Amihan, Barangay Barrera ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang mga suspek na sina Racquel Razon, 40, dalaga, walang trabaho ng Purok Ramon Magsaysay, Brgy. Pinagpanaan, Talavera, NE; at Asnira Million, 39, may-asawa, online seller ng Sitio Malabon, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Nabatid na alas-9 ng Huwebes ng gabi, nagsagawa ng buy-bust ang mga kagawad ng Cabanatuan City Police sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa dalawang suspek.

Nabilhan umano ng poseur buyer ang dalawang babae ng isang sachet ng umano’y shabu kaya agad silang inaresto. Nang sila ay kapkapan ng babaeng pulis, nakuha pa sa kanila ang 13-plastic sachet ng umano’y shabu.

Umabot sa 65.28 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P443,904 ang nare­kober sa dalawang suspek.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with