Duterte nagbanta ng ‘all-out offensive’ vs BIFF
Sa kanyang pagbisita sa Maguindanao
MAGUINDANAO, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi matatapos ang problema ng pamahalaan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), mapipilitan siyang magpababa ng kautusan sa Philippine Army na magsagawa ng “all-out offensive” laban sa nasabing bandidong grupo.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng kanyang pagbisita nitong Martes sa Camp Brig. Gen. Gonzalo H. Siongco sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Ang pahayag ng presidente ay sa harap ng mga local officials ng Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao at mga local chief executives ng lalawigan kung saan nakiusap siya sa BARMM government na aksyunan na at huwag nang hayaan pang makapaghasik ng karahasan ang BIFF.
“Ngayon nagmamakaawa ako sa inyo tulungan ninyo ako because otherwise, if I give the order for an all-out offensive, it will be bloody and it will be sad. ‘Yun ang ayaw ko,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, hindi maaaring magpatuloy ang karahasang ginagawa ng BIFF lalo na sa mga sibilyan at ang patuloy nitong pananambang sa puwersa ng militar.
Panawagan ng Pangulo sa BARMM officials, hindi sana sila mabigyan ng sanktuaryo na maaaring pagtaguan ng mga teroristang ito.
Matatandaan na umaga ng Sabado ng okupahin ng miyembro ng BIFF-Karialan Faction ang public market ng bayan ng Datu Paglas na nagresulta sa paglikas ng mga residente ng bayan.
- Latest