_ngayon
^

Quezon congressman nagpositibo sa COVID-19

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

QUEZON, Philippines — Nagpositibo sa CO­VID-19 si 3rd District ­Quezon Rep. Aleta ­Suarez.

Inianunsyo mismo ni Rep Suarez nitong Sabado ni Rep. Suarez na siya ay tinamaan ng COVID-19, ilang araw naman matapos na ma-infect sa virus ang kanyang mister na si Quezon Gov. Danilo Suarez.

Ayon sa kongresista, nanatili naman siyang asymptomatic at ngayo’y kasalukuyang naka-home isolation habang patuloy na minomonitor ng mga doktor.

Sinabi ni Rep. ­Suarez na sumailalim siya sa RT-PCR nitong nakalipas na Mayo 6 matapos ang close contact sa kanyang mister na una nang nagpositibo sa virus. Ayon sa mambabatas nitong Biyernes ay natanggap na niya ang resulta ng pagsusuri kung saan lumitaw na positibo siya sa virus.

Umapela ang mambabatas sa publiko na mahigpit na obserbahan ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ang kamay at panatilihin ang social distancing sa lahat ng oras.

RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with