_ngayon
^
Klinika ni-raid ng NBI: 5 suspek sa âabortionâ huli
Kinilala ni NBI OIC-Director Eric Distor ang mga inaresto na sina Joey Paulino Guirigay, Francisca Rebamonte, Gloria Gabutin, Meryteissie Rural at Amparo Gemarangan.
Boy Santos/ File

Klinika ni-raid ng NBI: 5 suspek sa ‘abortion’ huli

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Central Eastern Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) ang limang mi­yembro umano ng isang sindikato na sangkot sa aborsyon ng sanggol, sa pagsalakay sa isang klinika sa Cebu City kamakailan.

Kinilala ni NBI OIC-Director Eric Distor ang mga inaresto na sina Joey Paulino Guirigay, Francisca Rebamonte, Gloria Gabutin, Meryteissie Rural at Amparo Gemarangan.

Sinabi ni Distor na ang pagkakadakip sa lima ay bunsod ng impormasyon buhat sa isang impormante na sangkot ang grupo sa iligal na aborsyon. Naniningil umano ang suspek na si Guirigay sa mga kliyente ng P9,500 hanggang P30,000 sa pamamagitan ng Facebook account na @Michelle Mayer.

Nakipagkomunikasyon ang mga operatiba kay Guirigay at nakapag-set ng iskedyul para magpa-abort. Binigyan pa ni Guirigay ang poseur client ng dalawang opsyon para magpa-abort; una ay sa pamamagitan ng lisensyadong OB-Gynecologist doctor na nagkakahalaga ng P30,000; at ikalawa ay sa pagbibigay ng abortion pills na may halagang P9,500.

Nakipagkasundo ang poseur-client na sinundo ng suspek na si Rebamonte at dinala sa kanilang klinika sa may Talisay City habang nakasunod ang ibang ahente.

Nang maiabot ng poseur-client ang boodle money na nakahalo ang marked money, agad na ipinatupad ng mga ahente ang pag-aresto kina Gemarangan at Rebamonte.

Patuloy pa rin sa pakikipag-text ang suspek na si Guirigay kaya natukoy ng mga operatiba ang kinaroroonan niya sa may A. Lopez, Labangon, Cebu. Muling nagsagawa ng operasyon ang mga ahente na nagresulta sa pagkakadakip ni Guirigay, Gabutin at Rural.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with