_ngayon
^

17 vintage bomb isinuko ng obrero

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa 17 piraso ng vintage bomb ang isinuko ng isang construction worker sa himpilan ng pulisya matapos na mahukay ang mga ito sa ginagawang tulay sa Barangay Ma­nicla, rito, noong Lunes ng umaga.

Ayon kay P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng San Jose City Police, nagtungo sa kanilang istasyon ang isang Ryan Ambrocio, 27, may-asawa, ng Zone 6, Barangay Camanacsacan ng lungsod na ito at sinabing may naiahon silang mga sinaunang bomba sa ginagawang tulay.

Ayon kay Ambrocio, backhoe operator, nagulat umano siya nang makahukay siya ng 17 vintage bomb na ayon sa Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (PECU) ay mga Projectile 76mm na corroded na.

Bandang alas-9:30 ng umaga umano nila natagpuan ang mga bomba at natapos na maingat na naiahon isa-isa bandang alas-11:30 ng umaga dahil sa takot na baka biglang sumabog doon.

Maayos at ligtas namang naiturn-over naman sa tanggapan ng PECU ang mga bomba. 

BOMBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with