^

Probinsiya

2 taga-Maynila dakip sa P3.6 milyong marijuana

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

SADANGA, Mountain Province, Philippines — Umaabot sa P3.6 milyon halaga ng marijuana na nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang lalaki na taga-Maynila na sinita sa isang checkpoint sa Sitio Ampawelin,Brgy.Poblacion, ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Sa report ng pulisya, nakasakay sa isang itim na kotseng may plakang NAD 2038 sina Luigie Param at Bernard Hope Bravo II na kapwa residente ng Maynila nang parahin ng mga otoridad.

Ayon sa report, tumambad sa mga pulis and 30 pirasong marijuana bricks na may timbang na tig-isang kilo,isang cylindrical package rin ng 75 gramong  pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa dalawa.

Inihanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa.

MARIJUANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with