27 katao nahawaan ng COVID-19

IBA, Zambales, Philippines — Nasa 27 katao ang panibagong nahawaan ng COVID-19 dahilan upang umabot sa 1,626 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigang ito.

Sa 27 pasyenteng tinamaan ng COVID-19 ay 16-anyos ang pina­­ka­bata mula sa Palaguig habang ang pinakamatanda ay dalawang nasa edad 85-anyos mula naman­ sa bayan ng Masinloc at San Narciso­.

Nasa 1,324 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa nakakahawang virus habang nasa 34 naman ang mga nasawi.

Show comments