^
Trak swak sa bangin, driver todas
Tulung-tulong ang mga rescuers ng Philippine Coast Guard na marekober at maiahon ang driver na si Ruel Ruma matapos mahulog sa mataas na bangin ang minamaneho nitong truck na nawalan ng kontrol sa Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Ruma, at nakaligtas naman ang kanyang pahinante sa trahedya.
PCG Photo

Trak swak sa bangin, driver todas

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay ang driver matapos na aksidenteng sumabog ang hydraulic cylinder ng minamaneho nitong truck na may mga kargang bato at buhangin hanggang sa nagpa­ekis-ekis at tuluy-tuloy sa malalim na bangin saka bumagsak sa tubig sa Brgy. Poblacion 1, Tanza, dito, kahapon ng umaga.

Patay na nang ma­rekober ng mga rescuers­ ang katawan ng driver na nakilalang si Ruel Ruma, 40-anyos, residente ng Brgy. San Mi­guel, Bulacan.

Ayon sa pahinante na nakaligtas sa insi­dente na si Jerome Ma­nalastas, 18, ng San Mi­guel, Bulacan, alas-9:40 ng umaga, kasaluku­yang silang bumabagtas sa nasabing lugar nang aksidenteng sumabog ang hydraulic cylinder ng trak na may kargang mga buhangin at bato dahilan upang mawalan ito ng balanse at nagpa ekis ekis ng takbo hanggang sa mahulog sa ma­taas na bangin.

Sa isinagawang res­­cue operation ng Phi­lip­­pine Coast Guard-Ca­vite team, narekober nila ang katawan ng driver at agad na itinurnover sa Tanza Rescuer Team at itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

Lumalabas na naka­talon ang pahinante na si Manalastas sa trak sanhi upang masugatan sa insidente.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with