^

3 lalaki inambus, niratrat sa Rizal

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki ang nasa maselang kalaga­yan sa ospital matapos silang tambangan at pagbabarilin ng dalawang­ suspek habang nagla­lakad pauwi sa kanilang tahanan sa Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling araw.

Ang mga biktima na kinilalang sina Laurence Villamor, Angelo Rovelo at Abu Rumasasa ay nilalapatan na ng lunas sa East Avenue Medical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng ka­nilang katawan.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang mga suspek sa krimen na nakilala lang sa mga alyas na “Bato” at “Golem”.

Batay sa ulat, dakong­ alas-2:30 ng madaling araw, kasalukuyang nag­lalakad sa may Phase 1E, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose ang mga biktima pauwi na sa ka­nilang tahanan nang bigla na lang silang pagbabarilin ng mga naka­abang na suspek.

Nang inakalang na­puruhan ang mga biktima, mabilis nang tuma­kas ang mga suspek pa­tungo sa direksiyon ng Brgy. San Isidro, Rodriguez.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with