^
P1.2 bilyon giant clams nasabat sa Palawan, 4 nasakote
Ayon sa ulat ni PCG District Palawan commander, Commodore Genito Basilio, ang nasa 200 toneladang giant clams ay nagkakahalaga ng P1.2 bilyon, na ikinokonsiderang pinakamalaking huli ng Taklobo sa nasabing lalawigan.
Handout/Philippine coast Guard (PCG)/AFP

P1.2 bilyon giant clams nasabat sa Palawan, 4 nasakote

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat na indibiduwal ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilegal na pagbebenta ng mga higanteng “Taklobo” o giant clams sa Roxas, Palawan kamakalawa.

Isinailalim na kahapon sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) ang mga suspek na sina Rey Cuyos, 54- anyos; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 47; at Erwin Miagao, 48.

Ayon sa ulat ni PCG District Palawan commander, Commodore Genito Basilio, ang nasa 200 toneladang giant clams ay nagkakahalaga ng P1.2 bilyon, na  ikinokonsiderang pinakamalaking huli ng Taklobo sa nasabing lalawigan.

Isinagawa ang operasyon ng Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard District Palawan, Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), PNP– Maritime Group Palawan, AFP - Intelligence Operatives, at Bantay Dagat Roxas nitong Biyernes sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with