^

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Olongapo tumaas

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

OLONGAPO CITY, Philippines — Umakyat sa 150 ang aktibong kaso ng CO-VID-19 sa lungsod na ito matapos madagdagan ng 14, ayon sa huling ulat ng lokal na pamahalaan kahapon.

Pinakabata na naitalang bagong kaso ay 17-anyos na lalaki mula Barangay East Tapinac at pinakamatanda ang 78-anyos na lalaki mula sa Barangay Baretto ng naturang lungsod.

Sa kabuuan ay sumipa na sa 1,296 ang kumpirmadong kaso sa lungsod habang 1,091 naman ang mga gumaling sa nakakahawang virus at nasa 55 ang naitalang nasawi.

Bunsod sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, pinahaba ang umiiral na protection hours o curfew para sa mga menor-de-edad kung saan ay ipinagbabawal ang kanilang paglabas ng bahay mula alas-7:30 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Muli namang nagpaa­lala si Mayor Rolen Paulino Jr. sa publiko na sundin ang umiiral na health and safety protocol kontra COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with