^

DPWH-Bataan isinara sa disinfection

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2021 - 12:00am

BATAAN, Philippines — Pansamantalang isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bataan-1st District ang kanilang tanggapan para sa isinasagawang disinfection kontra COVID-19.

Ayon sa anunsyo ng Kagawaran, 3-araw na sarado ang kanilang tanggapan na nagsi­mula kamakalawa habang ang kanilang Planning and Design Section ay sarado hanggang sa April 23.

Paliwanag ng DPWH Bataan, ang naturang hakbang ay upang ma­iwasan ang pagkakaroon ng virus sa kanilang workplace at maging ligtas ang kanilang mga empleyado sa panganib na dala ng COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng nasabing tanggapan na nagpatupad sila ng skeletal work force upang mabigyang daan ang transaksyon na kailangang bigyan ng prayoridad.

Magbabalik operas­yon naman ang nasa­bing tanggapan sa April 15 habang sa April 26 naman ang Planning and Design Section.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with