^

Probinsiya

5 guro dumalo sa DepEd gatherings, patay sa COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
5 guro dumalo sa DepEd gatherings, patay sa COVID-19
Nabatid sa pulong ng Task Force kamakalawa sa tanggapan ni Governor Rodolfo Albano III sa Ilagan City na nasagap ng mga nasawing guro ang COVID-19 sa pagdalo ng mga face-to-face gatherings na ipinata­wag ng kagawaran mula Marso 16-22 sa iba’t ibang lugar.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Lubos na nabahala ang Provincial Inter-Agency Task Force on CO­VID-19 ng Isabela ma­tapos malagasan ang Department of Education (DepEd) ng limang guro dahil sa impeksiyon sa coronavirus na nakuha nila umano sa pagdalo sa ipinatawag na mga pagtitipon ng kagawaran.

Sa social media advisory ng Task Force, tinukoy nito ang pagkamatay ng dalawang Schools District Supervisors at tatlo pang guro sa iba’t ibang bayan sa Isabela nitong nakaraang 10 araw.

Nabatid sa pulong ng Task Force kamakalawa sa tanggapan ni Governor Rodolfo Albano III sa Ilagan City na nasagap ng mga nasawing guro ang COVID-19 sa pagdalo ng mga face-to-face gatherings na ipinata­wag ng kagawaran mula Marso 16-22 sa iba’t ibang lugar.

Bunsod nito, isang malawakang contact tracing sa hanay ng mga guro ang inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang matukoy ang hanggang third generation contacts ng mga nasawing guro.

Sinabi ni DILG Isabela Director Cora Toribio na ang hakbang ay upang maibsan ang pagkalat ng virus at napipintong kamatayan ng marami pa.

Taliwas sa unang pa­hayag ng DepEd na mga opisyales ng barangay ang nagpapamudmod ng learning modules, sinuspinde ng natu­rang kagawaran ang pamamahagi at koleksiyon nito sa takot na marami pa sa kanilang mga guro ang maa­aring makasagap ng virus. Ito ay dahil sa dumarami ang mga COVID-19 hotspots sa Isabela.

Matatandaan na no­ong nakaraang buwan, 15 na guro ng pampublikong paaralan sa Zambales ang tinamaan din ng virus kasunod ng pagdalo nila sa mga serye ng face-to-face seminars ng DepEd sa dalawang resort sa bayan ng Iba.

vuukle comment

COVID-19

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with