^
2 âgunrunnerâ kumasa sa entrapment, utas
Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na sina Michael Rivera, alyas “Pakat”, nasa hustong gulang ng Barangay Imelda District, Cabanatuan City at ang kasabwat nito na nakilala lamang sa alyas “Mico”.
STAR/File

2 ‘gunrunner’ kumasa sa entrapment, utas

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Napatay sa isang engkuwentro ang dalawang lalaki na sinasabing nagta-transport at nagbebenta ng mga armas makaraang manlaban umano habang isinasagawa ang isang entrapment operation sa Purok 6, Barangay MS Garcia, dito sa lungsod, kahapon ng madaling-araw. 

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na sina Michael Rivera, alyas “Pakat”, nasa hustong gulang ng Barangay Imelda District, Cabanatuan City at ang kasabwat nito na nakilala lamang sa alyas “Mico”.

Ayon kay Dasugo, nagsagawa ng entrapment operation ang City Police sa pamumuno ni P/Major Angelito Manalastas, bandang alas-12:40 ng madaling-araw laban sa dalawang suspek.

Sa imbestigasyon, nakabili umano ng isang caliber .38 revolver ang isang undercover police kapalit ng dalawang piraso ng P1,000 marked money laban sa mga suspek at habang aarestuhin na sila ay naghinala umano ang dalawa na mga pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya agad na pinaputukan ang mga operatiba. 

Doon na gumanti ng putok ang mga nakaposteng kagawad ng pulisya sa lugar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Narekober ng pulisya sa lugar ang isang kalibre .38 revolver, homemade, walang serial number; isang kalibre ng Armscor .45 pistol, na may serial no. 1330263; isang caliber 9mm pistol, homemade, walang serial no.; limang piraso ng FCCs para sa kalibre .9mm; isang FCC para sa kalibre .45; at P2,000 marked mo­ney. - Raymund Catindig

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with