Bigtime pusher todas sa raid

BULA, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang itinururing na bigtime drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang pagsalakay sa kanyang bahay sa Sitio Sto. Niño, Brgy.Itangon sa bayang ito kamaka­lawa ng madaling araw.

Napuruhan ng ­punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na kinilalang si Raymund Nangorog Sureta, isang high value individual dahil sa droga at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Renato Marpuri ng MTC-Bula ay sinalakay ng mga ­operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division-Special Operations Unit, Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Batallion at Bula Police sa pangu­nguna ni Lt. Col. Bernardo Perez.

Gayunman, palapit pa lang ang raiding team ay pinutukan na sila ng papatakas na suspek dahilan para barilin na siya ng mga operatiba na kanyang agarang  ikinasawi.

Nabawi mula sa bahay ng suspek ang isang kalibre 45 baril, mga bala, 36 sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Show comments