^
Pulis-Bulacan dinukot ng 4 na armado
Batay sa ulat ni Norzagaray Police Chief P/Lt. Col. Avelino G. Protacio II, kinilala ang nasabing pulis na si P/Cpl. Nikkol John Santos.
STAR/ File

Pulis-Bulacan dinukot ng 4 na armado

Joy Cantos, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Isang pulis na nakatalaga sa Pandi Municipal Police Station ang dinukot ng apat na armadong lalaki sa Sitio Padling, Brgy. Matictic, Norzagaray, Biyernes ng umaga.

Batay sa ulat ni Norzagaray Police Chief P/Lt. Col. Avelino G. Protacio II, kinilala ang nasabing pulis na si P/Cpl. Nikkol John Santos.

Si Santos kasama ang dalawang kaibigan na sina Sammy Bedunia at Rolando Beltran sakay ng dalawang motorsiklo at bumabagtas sa nasabing lugar nang harangin ng kulay puti at gold na Starex van.  Apat na armadong suspek ang bumaba mula sa sasakyan at tinutukan ng mahahabang baril ang mga biktima at inutusan silang humiga na nakaharap sa lupa saka pinasosan.

Kinaladkad ng mga armadong suspek si Cpl. Santos sa loob ng nasabing van habang ang dalawa niyang kasama ay naiwang nakaposas.

Kaagad na inutos nina Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Valeriano de Leon kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Police director, ang imbestigasyon at follow-up operation sa pagdukot sa nasabing pulis.

COL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with