^

40 Abu Sayyaf sumuko

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 40 na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa unang bahagi ng taong 2021, ayon sa opisyal ng militar.

Sinabi ni Col. Alaric Avelino  delos Santos, Spokesman ng AFP Western Mindanao Command, patuloy na umaani ng tagumpay ang opensiba ng mga sundalo laban sa grupo ng mga ektre­mistang Abu Sayyaf sa BASULTA (Basilan, Sulu, Tawi-Tawi) area.

Ayon kay delos Santos, pinakahuli sa mga sumuko ay si Muharral Jamalul Kadiri alyas Kadir, 34, ng Brgy. Lakit-Lakit, Bongao, Tawi-Tawi .

Si Kadiri ay sumurender sa mga elemento ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 2 sa Bongao, Tawi-Tawi dakong alas-2 ng hapon nitong Biyernes. Isinuko rin nito ang kanyang armas na isang cal M14 US rifle na may isang magazine at 13 bala.  Sa report ni Lt. Col . Henry Espinosa, commanding officer ng MBLT 2 kay AFP Westmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., si Kadiri ay ni-recruit ng grupo ni Sulu based ASG Sub Leader Commanders Iko at Samuel noong 2018 at nasangkot sa pitong engkuwentro sa tropa ng Philippine Army sa lalawigan ng Sulu partikular na sa mga bayan ng Patikul at Maimbung.

ASG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with