^

600 health workers tinurukan ng bakuna sa Maguindanao

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

MAGUINDANAO, Philippines —  Nasa 600 na kawani ng Maguindanao Provincial Hospital ang binakunahan sa unang araw ng pagpapaturok ng Sinovac vaccine kahapon.

Mismong si Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Health Mi­nister Dr. Ameril Usman ang unang nagpaturok ng Sinovac vaccine makaraang nagsimula na ang vaccination rollout sa rehiyon, na sinimulan sa Maguindanao Provincial Hospital.

Kasama ni Health Minister Usman si IPHO Maguindanao Assistant Chief of Hospital Dr. Arif Baguindali sa nagpapabakuna. Sila’y dumaan sa apat na proseso bago sila binakunahan na sumalang pa sa counselling.

Samantala, dumating naman sa Awang Airport ang 30 boxes ng Sinovac Vaccine para sa Region-12 na agad inihatid sa kanilang cold storage facility  para maimbentaryo.

Ayon kay DOH-12 Regional Director Dr. Arestides Tan 17,907 na vials ang unang ipinadala ng DOH National para sa kanilang medical frontli­ners sa 23 referral hospital sa buong rehiyon.

Sa isinagawang pulong balitaan, inihayag nito na marami na ring health workers ang nagpahayag ng magpapabakuna kaya’t simula kahapon ay agad na ipinamahagi sa mga hospital sa buong Rehiyon 12 ang unang batch ng vaccine.

Kabilang ang Cotabato City na nabigyan ng bakuna para sa mga health workers ng Cotabato Regional and Medical Center na merong 2,038 na vaccine habang mahigit sa dalawang daan naman sa Cotabato Sanitarium.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with