^
2 âtulakâ todas sa buy-bust
Kinilala ni Nueva Ecija Police director Colonel Jaime Santos ang mga nasawi na sina Michael Romero na taga-Brgy. Caputican, Talavera at isang alyas “Fred” na umano’y naunang kumasa ng barilan nang mapunang mga pulis pala ang kanilang katransaksyon.
STAR/File

2 ‘tulak’ todas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang­ umano’y dayong tulak ng droga ang napatay matapos manlaban sa awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Salvacion 2nd, Lupao, Nueva Ecija noong Huwebes.

Kinilala ni Nueva Ecija Police director Colonel Jaime Santos ang mga nasawi na sina Michael Romero na taga-Brgy. Caputican, Talavera at isang alyas “Fred” na umano’y naunang kumasa ng barilan nang mapunang mga pulis pala ang kanilang katransaksyon.

Narekober sa mga nasawi ang 18 sachet ng shabu na may timbang na 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P18,000; dalawang cal.38 revolver na paltik at traysikel na gamit ng mga nauna sa pagdedeliber ng droga.

Samantala, nadakip din ang apat pang tulak mula sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Talavera, Jaen, Licab at isa pa sa Lupao. Nasamsam dito ang shabu at marijuana na may pinagsamang halaga na P8,000.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with