^
Parak itinumba sa kainan
Agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Cpl. Nasrudin Bansuan, residente ng Isulan, Sultan Kudarat at nakadestino sa Police Regional Office-Regional Special Training Unit.
STAR/File

Parak itinumba sa kainan

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang gunman ang isang pulis sa loob ng isang kainan sa Barangay Lagao, General Santos City kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Cpl. Nasrudin Bansuan, residente ng Isulan, Sultan Kudarat at nakadestino sa Police Regional Office (PRO-12)-Regional Special Training Unit (RSTU).

Sa imbestigasyon, nasa loob lamang ng Cotton­ Bowl Grill Steak House sa San Miguel St., Brgy. Lagao ang biktima nang lapitan ng suspek at malapitang pinagbabaril pasado alas-4:00 ng hapon.

Ayon sa ilang testigo, nakasakay umano sa kulay itim na Hondang XRM ang salarin nang dumating sa steak house at agad pumasok sa loob saka pinuntirya ang biktima. Masuwerte namang hindi tinamaan ang mga police trainees maging ang iba pang mga tao sa nasabing restaurant.

Ayon kay Capt. Abdulsalam Mamalinta, hepe ng Police Station 6 ng General Santos City Police, iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang sa pulis at kung sino ang nasa likod nito.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with