^
Bulkang Taal patuloy ang pag-aalboroto
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang bulkan ay nagtala ng 48 volcanic earthquakes at 40 volcanic tremor episodes na maya tagal mula 1 minuto at kalahating minuto.
The STAR/Michael Varcas, file

Bulkang Taal patuloy ang pag-aalboroto

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang bulkan ay nagtala ng 48 volcanic earthquakes at 40 volcanic tremor episodes na maya tagal mula 1 minuto at kalahating minuto.

Kinakitaan ng mahinang pagluwa ng abo ang main crater ng bulkan habang tumaas naman ang temperatura ng tubig sa main crater Lake na umaabot sa  74.6°C at pH na 1.59 .

Patuloy pa ang ground deformation parameters sa Volcano island at mahinang inflation sa Taal region at nananati­ling nasa Alert Level 1 o nasa abnormal na kondisyon ang Bulkang Taal

Bunga nito, pinaalalahanan muli ng Phivolcs ang publiko na huwag papasok sa may Taal Volcano island lalo na sa malapit sa Main crater at sa Daang kastila Fissure dahil sa banta ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at paglalabas ng asupre.

Binabawalan din ang mga sasakyang panghimpapawid na huwag lalapit sa may bunganga ng bulkan dahil sa abo at balllistic fragments na inilalabas nito kapag may hindi inaasahang pagsabog ang bulkan.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with