^
Umbagerong mister kinatay ng 83-anyos biyenan
Kinilala ang biktima na si William Acosta, 39-anyos, construction worker habang ang matandang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay ay si Diosdado Rana,83, magsasaka; pawang residente ng nasabing lugar.
STAR/File

Umbagerong mister kinatay ng 83-anyos biyenan

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang malupit na manugang matapos pagsasaksakin ng kanyang biyenan nang makitang iniiumbag nito ang kanyang misis sa Purok 4, Barangay Malegdeg, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si William Acosta, 39-anyos, construction worker habang ang matandang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay ay si Diosdado Rana,83, magsasaka; pawang residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Eric Vasques, lasing umano si Acosta nang duma­ting sa kanilang bahay at nag-away umano sila ng kanyang asawa na si Helen, 38. Sinuntok umano ni Acosta ang kanyang misis na nakita naman ito ng biyenan kaya biglang nagalit at agad kumuha ng bolo saka sinaksak ang manugang sa kanang bahagi ng baywang.

Agad na dinala ang biktima sa Senator Ninoy Aquino Municipal Hospital para sa medikal na atensiyon pero idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Boluntaryo namang sumuko ang lolo sa mga elemento ng Senator Ninoy Aquino Police.

KINATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with