^
Trahedya sa parada ng BFP: Rider pisak sa firetruck
Nakilala ang biktima na si Neceforo Pulvinar Jr., nasa tamang edad at residente ng Brgy. Labangal.
PSN/File

Trahedya sa parada ng BFP: Rider pisak sa firetruck

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang lalaking motorista matapos siyang matumba sa kalsada at masagasaan ng dumaraan na firetruck ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kasagsagan ng kanilang parada sa Barangay Calumpang ng lungsod na ito ka­makalawa.

Nakilala ang biktima na si Neceforo Pulvinar Jr., nasa tamang edad at residente ng Brgy. Labangal.

Sa pagsisiyasat ng Traffic Management Unit, nagsasagawa ng parada ang BFP-GenSan sa ­unang araw ng Marso para sa Fire Prevention Month nang biglang mawalan ng balanse ang biktima at natumba kung saan tiyempong dumaan ang firetruck at ito ay nasagasaan.

Nakaangkas pa sa motorsiklo ang asawa ng biktima at masu­werteng nakaligtas mula sa insidente. Malaking pinsala naman sa ulo ang tinamo ng biktima na dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng firetruck na si FO1 Mario Fuentes Jr. na nakadestino sa GenSan Fire Station.

BFP RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with