^

Sarhento pinabulagta ng kabaro sa kampo

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pina­bulagta ng kanyang kabarong sundalo ang isang sarhento ng Phi­lippine Army matapos siyang barilin sa gitna ng kanilang matinding pagtatalo sa loob ng kanilang kampo sa Alcala, Cagayan noong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Sgt. Paulino Gavino Jr., 30-anyos,  tubong Mallig, Isabela habang ang suspect ay si Cpl. Rickson Rulloda, 32, na taga-Bagabag, Nueva Viscaya; pawang kasapi ng 77th Infantry Battalion na nakabase sa Brgy. Piggatan, Alcala.

Ayon sa report, nag-ugat ang pagtatalo ng dalawa tungkol sa pagtalaga ni Gavino ng bagong tungkulin kay Rulloda na nauwi sa kanilang pagtatalo. Sa matinding galit, binaril ni Rulloda si Gavino sa tiyan sa harap ng mga kasamahang sundalo sa loob ng kanilang bunker dakong alas-8:30 ng gabi.

Sinikap isugod ng mga kapwa sundalo si Gavino sa Cagayan Valley Medical Center su­balit idineklara na siyang patay habang sumuko sa kanyang superior si Rulloda dala ang ginamit niyang caliber 9mm Glock 17 sa pagpatay.

SARHENTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with