^

Probinsiya

Drayber, angkas dedo sa ambush

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
Drayber, angkas dedo sa ambush
Kinilala ang mga biktima na sina Fhejie Reballos Jumalon, 26-anyos at ang kasamang driver na si Ronnel Saco, 21-anyos, college student parehong taga-Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao.
STAR/File

SULTAN KUDARAT, Maguindanao, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga ‘di kilalang suspek sa national highway kamakalawa ng gabi, dito.

Kinilala ang mga biktima na sina Fhejie Reballos Jumalon, 26-anyos at ang kasamang driver na si Ronnel Saco, 21-anyos, college student parehong taga-Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Si Saco ay isinugod sa Sanitarium Hospital sa Brgy. Pinaring, Sultan Kudarat pero binawian ng buhay makalipas ang ilang oras na gamutan.

Lumalabas na patungong Cotabato City ang dalawang biktima mula Brgy. Sarmiento, Parang sakay ng isang Honda XRM motorcycle nang paputukan ng mga suspect na naka-motorsiklo rin dakong alas-6:50 ng gabi sa naturang lugar.

MOTORSIKLO

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with