11 tiklo sa raid sa illegal na LPG refilling plant

NORZAGARAY, Bulacan, Philippines — Arestado ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ang 11 katao na kapwa empleyado ng Tider Gaz Corporation makaraang mahuli sa akto na nagkakarga ng Liquified Petrolium Gas (LPG) ng iba’t ibang klase ng tangke sa Brgy. Tigbe, dito kamakalawa ng umaga.

Sa inisyal na report ni PUI Deputy Chief P/Captain Renz Principe, naka-impound ngayon sa Camp General Alejo Santos ang tatlong unit ng Elf truck  na may plakang CCM- 6523, CAS-1351 at JO- 241 ng Tiger Gaz Corp. matapos na kumpiskahin ng mga awtoridad. Isinailalim naman sa inquest prooceedings kahapon ang 11 na hindi pa pinangalanan.

Higit sa 100 assorted LPG tank ang nakumpiska sa nabangit na LPG refilling station.

Una nang sinalakay ang LPG refilling plant base sa reklamo ng ilang lehitimong negosyante ng LPG sa lalawigan.

Paglabag sa P.D. 1865 ang kakaharapin ng may-ari ng refilling plant dahil wala umano silang maipakitang permit mula sa Department of Energy (DOE) at authorization permit mula sa ibang kumpanya ng LPG na nakita sa kanilang planta.

Show comments