Rider kumasa sa checkpoint, utas sa parak

Sa report na nakarating kay Nueva Ecija Police director Colonel Jaime Santos, sa halip na huminto nang parahin ng awtoridad, pinaharurot ng armadong rider ang sinasakyan nitong motorsiklo saka pinaputukan ang grupo dakong alas-4:45 ng madaling araw.
Andy G. Zapata Jr., file

TUGUEGARAO CITY Cagayan, Philippines — Na­patay ang isang hindi pa natukoy na rider matapos umanong makipagbarilan sa awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Mahipon, Gapan City, Nueva Ecija kamakalawa.

Sa report na nakarating kay Nueva Ecija Police director Colonel Jaime Santos, sa halip na huminto nang parahin ng awtoridad, pinaharurot ng armadong rider ang sinasakyan nitong motorsiklo saka pinaputukan ang grupo dakong alas-4:45 ng madaling araw.

Namatay agad ang gunman nang gantihan siya ng putok ng mga humabol na pulis.

Ayon kay Santos, nasamsam sa crime scene ang armas ng nasawi na isang cal. 9mm pistol.

Pinaniniwalaang hired killer at tulak ang napatay.

Show comments