Mag-asawang NPA nalambat sa Pangasinan

SANTIAGO CITY , Philippines — Nahulog sa kamay ng batas ang mag-asawa na sinasabing miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi sa kanilang pinagtataguan sa Anda, Pangasinan kamakalawa ng umaga.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga nadakip na sina Pepito Reyes, 49, at misis na si Loida, 41, kapwa ng Sitio Saragoza, Brgy. Nacalma, Benito Soliven, Isabela.

Ang pagdakip sa mag-asawa ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Intel Operatives ng 1st Isabela Police Mobile Force Company (IPMFC), Pangasinan Police Office, Benito Soliven PNP at mga operatiba ng 95th Infantry Battalion (IB) ng  Philippine Army dakong alas-9:30 ng umaga base sa inilabas na warrant of arrest ni Judge Alfred Alex Castillo ng 6th MCTC, Second Judicial Region, Benito Soliven, Isabela, sa kasong Direct Assault noong Disyembre 12, 2018.

Show comments