Bulacan naghigpit sa mass gathering’

Bunsod nito, kaila­ngan na ngayong humi­ngi ng pahintulot sa Bulacan Provincial Task Force (PTF) on CO­VID-19 Response sa pamumuno ni Gob. Da­niel Fernando ang mga nag-oorganisa sa lalawigan bago makapagsagawa ng anumang malaking pagtitipon ka­sabay ng pagpirma ng punong lalawigan sa Executive Order No. 2, series of 2021 kahapon.
Edd Gumban, file

MALOLOS CITY, Philippines — Nagpatupad ng mas mahigpit na panuntunan ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan kaugnay sa pagsasagawa ng “mass gathering” sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Bunsod nito, kaila­ngan na ngayong humi­ngi ng pahintulot sa Bulacan Provincial Task Force (PTF) on CO­VID-19 Response sa pamumuno ni Gob. Da­niel Fernando ang mga nag-oorganisa sa lalawigan bago makapagsagawa ng anumang malaking pagtitipon ka­sabay ng pagpirma ng punong lalawigan sa Executive Order No. 2, series of 2021 kahapon.

Ayon sa EO, upang makonsidera ang ap­likasyon para sa pagsasagawa ng anumang malakihang pagtitipon, ang mga nag-oorga­nisa ay kailangang mag­pasa ng sulat, 10 calendar days bago ang nakatakdang petsa ng kanilang gawain o pagtitipon na naka-address sa Provincial PTF on COVID-19 Res­ponse.

Kailangan ding mag­pasa ang nag-oorga­nisa ng sinumpaang sa­laysay na nagsasaad na siya ang responsableng indibiduwal sa gawain, at sa ilalim ng parusa na ipinapataw ng mga naaangkop na batas, ay sisiguraduhin na ang pagtitipon ay limitado lamang sa 50 porsyento na seating o venue capacity.

Dagdag pa rito, ka­ilangan ding magpasa ng after-activity report ang mga nag-organisa, limang araw matapos ang pagsasagawa ng gawain.

Ayon sa gobernador, ang paglalabas ng EO ay isa pang hakbang ng lalawigan upang ma­iwasan ang lalong pagkalat ng nakakaha­wang sakit na pumilay sa bu­ong mundo

Show comments