‘Gunrunner’ todas sa buy-bust

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bulagta ang isang hinihinalang gunrunner matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Imelda, rito, 11:30 ng umaga nitong Huwebes.

Kinilala ni Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, ang suspek na si Joselito Jose alyas “Jojo”, 51, electrician at residente ng Purok 4, Barangay Imelda.

Masuwerte namang nakaligtas ang poseur buyer na pulis nang tumama sa bullet-proof vest nito ang bala ma­tapos barilin ng suspek, ayon kay Dasugo.

Sa ulat, nakipagtransaksyon ang pulis sa suspek na bibili ng kalibre .32 baril sa halagang P2,500. Gayunman, nakaramdam ang suspek na pulis ang ka-deal kaya agad bumunot ng baril at pinaputukan ang huli kung kaya dito na nagkaengkuwentro nang gumanti ng putok ang mga kabaro ng poseur buyer na ikinabulagta ng suspek.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .32mm, isang kalibre .45 pistol (Federal USA), isang cellular phone, 5 basyo ng bala ng kalibre .9mm at basyo ng bala ng kalibre .45 pistola. 

Show comments