^

Probinsiya

Munisipyo ng Luna, Isabela isinara

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim sa lockdown hanggang Biyernes ang munisipyo ng Luna, Isa­bela matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlong kawani at isang opisyal doon kahapon (Miyerkules).

Sinabi ni Luna Mayor Jaime Atayde na isa ang kanilang kawani sa naunang pitong nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa New Year’s party ng kanilang sekta.

Aniya, ang carrier na kawani ay nakahawa pa ng tig-isang empleyado sa kanyang tanggapan at Municipal Engineer’s Office kasama ang isa pang opisyal.

Ang apat ay inilagay na sa qua­rantine facility ng lokal na pamahalan.

Ayon kay Atayde, kasama siya sa sumailalim sa Antigen test at negatibo ang resulta sa kanyang pagsusuri.

Idinagdag ng mayor na bubunuin niya ang dalawang linggong quarantine habang nakatakdang sumailalim sa swab test ang iba pang kawani at opisyal ng munsipyo na nakadaupang palad ng apat na nagpositibo sa virus.

vuukle comment

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with