^

Pet shop owner niratrat ng 2 ‘kustomer’

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Agaw-buhay ang isang pet shop owner na isa ring dance instructor matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki sa General Lim Street, Purok II, Brgy. Poblacion Tacurong City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Charliemagne Pepito Gallas, 26-anyos, binata, residente ng Purok San Jose, Barangay San Pablo na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, pa­sado alas-8:00 ng gabi, dalawang armadong lalaki sakay ng tricycle ang huminto sa pet shop na pagmamay-ari ng biktima at nagkunwaring bibili ng cat food.

Habang nag-uusap ang biktima at dalawang suspek ay biglang bumunot ng baril ang isa at agad na pinagbabaril ang biktima saka sila tumakas.

BIKTIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with