Panagbenga 2021 ipinagpaliban

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, at pag-usbong ng UK variant ng virus, napagkasunduan ng Baguio Flower Festival Foundation Inc., Execom at ni City Mayor Benjamin Magalong na ipagpaliban sa taong ito ang pamosong “Panagbenga Festival” na dindagsa taun-taon.

Sa halip ay pagtutuunan muna ng lungsod ang vaccine roll out na inaasahang matutuloy sa Pebrero 2021.

Nabatid na may 41 bagong kaso ng CO­VID-19 sa lungsod kahapon at isa ang nasawi sa virus.

Umaabot na sa kabuuang 4,352 COVID-19 ca­ses ang naitala sa Baguio City at 424 dito ang aktibo.

Show comments