^
3 bangkay na nakaposas itinapon sa Bulacan
Ang tatlong biktima ng summary execution sa Bulacan na itinapon sa Bypass Road sa Brgy. Malamig, Bustos, Bulacan kahapon ng umaga.
Omar Padilla

3 bangkay na nakaposas itinapon sa Bulacan

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang babae na pawang mga nakaposas ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Plaridel Bypass Road ng Brgy. Malamig sa Bustos, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Maj. Jude Bryan Maguddayao, hepe ng Bustos Police, tadtad ng tama ng bala mula sa ‘di pa matukoy na kalibre ang tumapos sa buhay ng tatlong biktima.

Ang unang babae ay tinatayang nasa 20-25 ang edad, 5’2” at naka­suot ng white stripe shirt at green na pantalon habang nasa 40-45 anyos ang ikalawa, may 5’4 ang taas at nakasuot ng purple printed shirt at itim na leggings. Ang lalaking biktima naman ay nasa 30-34 anyos, 5’2” at nakasuot ng maroon at yellow t-shirt at puting maong pants.

Sa ulat, dakong alas-6:10 ng umaga nang makita ng nagdaraang motorista ang bangkay ng mga biktima sa gilid ng kalsada.

Hinala ng pulisya, biktima ng “summary execution” ang tatlo.

Sa nakalap na CCTV footage ng mga pulis, makikitang itinatapon ng hindi kilalang mga salarin sakay ng isang van ang tatlong bangkay sa nasabing lugar.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with