Mister utas, misis sugatan sa ambush

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang 59-anyos na mister habang sugatan ang kanyang misis nang abangan at pagbaba­rilin sila ng hindi pa na­­kikilalang salarin sa Ba­rangay Pula, dito, noong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Romeo Ramos, 59, at ang sugatang misis nito na si Editha, 58, kapwa ng Barangay Homestead 2, Talavera.

Sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling-araw habang sakay ng kanilang tricycle, may plakang 5577XU, ang mag-asawang patu­ngong pamilihang bayan nang abangan umano ng suspek.

Habang tinatahak ng mag-asawa ang ma­­dilim na kalsada ng Brgy. Pula ay bigla uma­nong sumulpot sa kanilang likuran ang suspek na lulan ng hindi pa batid na sa­sakyan.

Bigla na lamang pinaulanan ng mga bala ang mag-asawa na agad na ikinasawi ng mister habang ang misis nito ay nagawa pang maitakbo ng mga sumaklolong residente sa Premeier General Hospital sa Cabanatuan City.

Nabatid na nasa stable nang kondisyon si Editha ngunit hindi pa umano nagbibigay ng salaysay ukol sa naganap na pamamaril sa kanilang mag-asawa.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo sa pananambang sa mag-asawa.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with