^

2 tiklo sa P.3 milyong shabu at baril

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Nalambat ng pinagsanib na mga operatiba ng Quezon at Lucena Police-Drug Enforcement Unit ang dalawang kilabot na tulak ng ipinagbabawal na droga na nakumpiskahan ng mahigit P.3-milyong halaga ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang operasyon sa Purok Narra, Barangay 9, dito, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Quezon Provincial Police Office director P/Col. Erickson Dilag, kinilala ang mga nadakip aysina Armando Table alyas “Manding”, 45, at Jofren De Rosas, 38; kapwa residente ng Purok Damayan 1, Brgy. Ibabang Iyam.

Ayon kina P/Lt.Col.Romulo Albacea at Maj.Gaylor Pagala, naging positibo ang pakikipagtransaksyon ng mga suspek sa poseur buyer na pulis sa pamamagitan ng cellphone kung kaya’t isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P328,400, isang piraso ng P1,000 marked money, 11 piraso ng P1,000 budol money, isang baril na de-sabog na may anim na bala at motorsiklo na kanilang sinakyan.

Sinabi ng mga suspek na sa lalawigan ng Cavite sila kumukuha ng droga at ibinebenta sa Lucena City.

BARIL SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with