Bugkalot at LGU nagsanib kontra renewal ng minahan

MANILA, Philippines — Nagtipunan, Quirino- Nagsanib pu-wersa ang pamahalaang lokal ng bayang ito at mga katutubong Bugkalot para tutulan ang pag-renew ng operasyon ng OceanaGold (Philippines), Inc. (OGPI) para sa pagmimi­na sa Barangay Didipio.

Ayon kay Nagtipunan Vice Mayor Amel Fiesta, suportado ng buong konseho ang ipinaglalaban ng mga grupong Bugkalot-Ilongot lalo na ang kanilang karapatan sa kanilang ancestral domain, kabilang na ang Barangay Didipio kung saan nakabase ang operasyon ng pagmimina ng OceanaGold.

Inindorso ng mga miyem­bro ng municipal council kay Pangulong Rodrigo Duterte ang petisyon mula sa Bugkalot-Ilongot IP communities na humihiling sa huwag nang aprubahan ang nakahaing “renewal” sa Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OGPI at ng pamahalaan matapos mapaso ang 25-year right-to-operate ng nasabing Australian mining giant.

Show comments