3 drug traffickers tiklo sa P6.8 milyong shabu

IMELDA, Zamboanga Sibugay, Philippines — Umaabot sa P6.8-M halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong pinaghihinalaang big time drug pushers sa isinagawang buy- bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Lumbog sa bayang ito,kamakalawa.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 9 Director P/Brig. Gen. RonaldoYlagan ang mga nasakoteng suspect na sina Crimalde Tarawi, 53 , negosyante ng Simunul , Tawi-Tawi; Albasir Masibul, 26 , seaweeds farmer  ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay at Basir Alano, 48 , negosyante ng Jolo, Sulu.

Ang mga suspect ay nasakote sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pinagsanib na mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group, Imelda Municipal Police Station at 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company.

Nakumpiska mula sa mga ito ang isang piraso ng kulay itim na plastic bag na naglalaman ng 18 packs ng mga pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng mahigit isang kilo na  nagkakahalaga ng P6.8-M, eco bag na may P 1,000 bill na nasa ibabaw ng 20 bundles ng P1,000 boodle money na kabayaran sa droga sa nasabing buy-bust operation at isang Chevrolet (JCT 5097).

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos na arestuhin ang anti-drug ope­ratives kung saan nakakulong na ang mga ito sa detention cell ng Imelda Municipal Police Station.

Show comments