^

Probinsiya

Motor sinalpok ng van: Ina patay, anak sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon Cebu, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 60-anyos na ginang habang malubhang nasugatan ang anak niyang lalaki na nagmamaneho ng sinasakyan nilang motorsiklo makaraang bang­gain ng L300 van sa Barangay Montecillo, dito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Leonila Umali habang ginagamot sa ospital ang anak niyang si Michael, 37, kapwa residente ng Baran­gay Manggalang 1, Sa­riaya.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon ay patungo na sa kanilang bahay ang mag-ina at sakay ng isang motorsiklo pero pagsapit sa isang kurbada ay binangga sila ng kasunod na L300 van na minamaneho ni An­gelito Pimentel, 67, ng Barangay Talaan, Sariaya.

Tumalsik mula sa pagkakaangkas ang ginang at una ang ulong bumagsak sa kalye samantalang ang anak niya ay tumila­pon sa minamanehong mo­torsiklo na ikinasugat ng iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nakapiit na sa municipal jail ang driver ng van at sinampahan ng kaukulang kaso.

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with