^

Probinsiya

Mag-ama humawak sa kable sa palayan, tigok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PILI, Camarines Sur, Philippines — Kapwa patay ang isang lolo at kanyang anak na lalaki matapos na makuryente habang naglalakad sa palayan at aksidenteng nahawakan ang kable ng kuryente sa Zone-1, Brgy. Sirang ng bayang ito kahapon ng umaga.

Parehong dead-on-the spot ang mga biktima na sina Jacinto Catimbang Ibarreta, 73-anyos at anak na si Rico, 38-anyos, pawang ng Zone-2, Brgy. Sirang, Pili.

Sa ulat, dakong alas-5 ng umaga habang naglalakad ang mag-ama sa palayang pag-aari ng isang nagngangalang Myrnal Audal nang aksidente nilang mahawakan ang putol na live wire ng Casureco ll Electric Cooperative.

Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa kanilang katawan, parehong nangisay at agad namatay ang mga biktima sa gitna ng palayan.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with