^

Probinsiya

Driver tinodas ng tandem habang naghahapunan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang driver ng dalawang hindi nakikilalang­ lalaki habang naghahapunan sa Sitio Paraiso, Brgy. Guis­guis Talon, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ay kinilalang si Allan Junio, 44-anyos, may asawa.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang kumakain ang biktima at dalawang kapitbahay nang pumasok sa kanilang compound ang dalawang armadong lalaki at inutusan silang dumapa. Isa sa mga suspek ang nagtanong kung sino si Allan at nang sumagot ang biktima ay doon na siya pinagbabaril.

Bago tumakas ang mga salarin, kinuha nila ang driver’s license, susi ng motorsiklo at isang cellphone ng mga biktima saka sumakay sa isang Toyota Sedan na kanilang get away car.

vuukle comment

CRIME

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with