Mataas na opisyal ng NPA, 4 pa dedo sa raid

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

SOUTH COTABATO, Philippines — Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang mataas nilang opisyal na tagagawa ng bomba at misis nito ang nasawi nang manlaban umano sa tropa ng pulisya at militar na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa Lake Sebu, dito kahapon ng umaga.

Kinilala ang lider ng NPA na napatay na si Romeo Libron at ang misis nito na si Merly, napatay din si Rogelio Magsaya at dalawang iba pa na nakilala lang sa panga­lang Macoy at Megan.

Si Libron ay sinasabing pinuno ng Regional Ordinance ng Southern Mindanao Regional Command (SMRC) na siyang target sa warrant of arrest operation dahil sa kasong murder at iba pa.

Sa ulat, nagsanib pu­wersa ang Lake Sebu Police at 5th Special Forces Battalion ng 6th Infantry (Kampilan) Division at kanilang si­nalakay ang pinagtataguan ng mga suspek sa Sitio Kibang, Brgy Ned dakong alas-5:00 ng umaga.

Sa halip na sumuko, agad umanong sinalubong nito ng mga putok ng baril ang raiding team sanhi ng engkuwentro hanggang sa masapol ng mga bala ang limang terorista na kanilang aga­rang ikinasawi.

Narekober sa en­counter­ site ang mga armas ng mga rebelde na kinabibilangan ng isang M-16 rifle; carbine rifle; 1kalibre 45 pistol; 1 caliber 40 pistol; IED at bomb components, mga subersibong dokumento kabilang na ang mga dokumento kung paano ang paggawa ng bomba, identification cards, cellphones, flash drives at blood pressure apparatus.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with