Mister nag-amok: Misis hinataw ng kahoy, utas; 2 anak kritikal
Dead-on-the spot dahil sa pagkabasag ng ulo at bugbog sa katawan ang biktimang si Marisol Santelices Vargas, residente sa nasabing lugar habang nasa kritikal na kondisyon sa East Bicol Medical Center ang mga anak niyang babae na 10-anyos at 1-taong gulang.
STAR/ File

Mister nag-amok: Misis hinataw ng kahoy, utas; 2 anak kritikal

(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 40-­anyos na misis sa kamay ng kanyang kinakasama habang kritikal ang dalawa nilang paslit na anak matapos silang paghahatawin ng matigas na kahoy kasunod ng isang mainitang pagtatalo sa Brgy. Francia, dito, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the spot dahil sa pagkabasag ng ulo at bugbog sa katawan ang biktimang si Marisol Santelices Vargas, residente sa nasabing lugar habang nasa kritikal na kondisyon sa East Bicol Medical Center ang mga anak niyang babae na 10-anyos at 1-taong gulang.

Nasugatan naman ang suspek na si Jovenal Obang Delos Santos, 39-anyos makaraang paputukan ng mga rumes­pondeng pulis nang magtangkang manlaban.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-live in partner sa may labas ng kanilang bahay hanggang sa kumuha ang lalaki ng kahoy na tinatawag na “bahi” at pinaghahataw sa ulo at katawan ang ginang at dinamay pa ang dalawa nilang nag-iiyakang anak.

Dahil sa matinding palo na inabot, duguang bumagsak ang mag-iina malapit sa pinto sa labas ng kanilang bahay.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naabutan ang suspek habang nagtatago sa likurang bahagi ng puno sa harap ng kanilang bahay. Dito agad siyang pinadadapa at pinasusuko pero sumugod at akmang aatake sa mga pulis kaya napilitan nang barilin sa katawan sanhi upang sugatang isinugod sa Immaculate Hospital.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with