6 barangay sa Antipolo City, 9-oras mawawalan ng tubig

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siyam na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang anim na barangay sa Antipolo City, Rizal mula ngayong Miyerkules (Disyembre 2) ng alas-9 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga bukas (Disyembre 3).

Ayon sa Manila Water, ang water interruption ay dulot ng gagawing mga leak repairs ng kanilang pangunahing linya ng tubig sa kahabaan ng Marcos Highway malapit sa Maagay Bridge sa Brgy. ­Inarawan, Antipolo City.

May mahigit 79,000 katao o 15,810 households, commercial at business establishments ang inaasahang apektado sa pagkawala ng suplay ng tubig.

Pinapayuhan ang mga apektadong indibidwal na mag-imbak agad ng tubig para may magamit sa panahon ng water interruption.

TUBIG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with